03 Aug
03Aug

Sa dami daming benta ngayon na pampaputi, ang hirap pumili ng produkto. Hindi naman ako maitim, sadyang di lang ako maka pirmi sa bahay. Noong ako'y bata p, lage akong nasa labas naglalaro habang tirik ang araw. Kahit noong ako'y nag highschool na ay wala akong pakialam sa balat ko. Maaga nga akong nagdalaga ngunit hindi ko focus ang pagpapaganda. Basta ay ako'y nag eenjoy sa pglalaro sa labas kasama ang mga barkada.

Ang daming nag aadvise sa akin na kailangan kong alagaan ang aking balat, dahil ako'y isang mang-aawit at sumasali ako sa mga kontes sa skwela at sa Telebisyon. Ngunit di ko masyadong pinansin at sa pag kanta ko lang ako naka tutok. Wala sa isip ko ang pagpapaputi upang manalo sa singing contest.

Isang factors nga talaga kung ikaw ay may maaliwalas na balat o kutis artista. Dahil noong 2010 nakasali ako sa isang National Singing Contest sa TV by Sharon Cuneta, ang "Star Power". Ang dami kong nakitang artista. Ang gaganda ng kutis nila. Ang puputi. Naalala ko sabi nang isang singer na artistang lalaki "kahit kami lalaki kailangan namin magpa ganda ng kutis, kasi isa din yan sa puhunan namin". Doon na ako parang natauhan. Kasali pala sa puhunan ang pagkakaroon ng magandang balat.

Hindi man ako pinalad sa singing contest na iyon pero ang dami kong natutunan sa mga artistang nakasalumuha ko. Natapos ang journey ko sa Star power at umuwi na ako sa Davao City. Pinagpatuloy ko na ang pag-aalaga ng aking balat. Humanap ako ng mga pampaputi na sabon. Kahit ano-ano nalang ang aking sinubukan. Hanggang sa nakita ko ang sabon na epektibo sa akin.


Gamit gamit ko na itong sabon na ito sa mahabang panahon, kitang kita ng mga tao ang resulta. Akala nila ako ay nag gluta drip. Kaso takot ako sa injection eh. Hanggang sa umabot ang panahon na kinontak ako nang isa sa mga nagtratrabaho sa sabon na aking ginagamit. At nag usap kami patungkol sa paano ako mgkakaroon nang aking sariling soap line. Tested and proven ko na ang produkto kaya hindi ako nagdalawang isip na subukan ang business proposal nila. Noong 2018 sinimulan ko na at nagkaroon ako ng "MissJoy insta-glow bleaching soap". Hindi madaling mag benta. Ngunit nakakatuwa dahil andaming magagandang feedback. Nagustuhan din nila ang sabon. Pumuti sila at nagkaroon na ako nang mga suki at resellers. Umabot pa nga sa ibang bansa.

"Hindi nyo malalaman kung hindi nyo susubukan" by MissJoy.


Written By: MissJoy

Comments
* The email will not be published on the website.